Tuesday, June 10, 2008

freewriting

hindi ako manunulat. hindi ako makata. hindi ako magaling sumulat pero kailangan kong sumulat. kailangan kong isulat kung anumang bumabagabag sa isip ko kse pakiramdam ko kung hindi ito maililimbag, napupuno ang utak ko. pero kung tutuusin, hindi naman. nag-aral ako ng sikolohiya at alam kong hindi ito basta-basta napupuno. ang totoo nagagamit lang natin ang 10% ng ating utak kaya paano ito mapupuno? pero kasi kailangan kong sumulat. kailangan kong mailagay kahit sa isang nowtbuk, risibo, punit na papel o kahit anong kapirasong papel. nang sa ganoon alam kong hindi ko makakalimutan at mahahanap ko kung sakaling kailanganin ko. parang silid-aklatan. hindi gaya nang sa utak lamang, kailangan ko pang alalahanin kung anong kaakibat na pangyayari sa salitang kailangan ko. 'photographic memory' kung baga. pero magandang ideya din kung magsusulat ako.

sabi ng propesor ko nung nasa kolehiyo ako, may potensiyal daw ako maging manunulat. hindi ko nga lang tanda kung magaling na manunulat o ordinaryong manunulat. 'freewriting' kasi iyon. kahit ano lang ang isulat ko basta ba ito ang nasa isipan ko ng mga sandaling iyon. mataas na marka nakuha ko sa gawaing iyon, 90%. at mukhang naniwala naman ako, kaya sinulat ko ang tisis ko sa filipino. ang propesor ko ring iyon and kinuha kong editor. pero ang sabi niya masyadong magulo ang naisulat kong tisis. panay nga ang reklamo niya, dahil medyo nahirapan daw siya sa pagsasaayos. maraming mali kung baga. pero totoo naman. tali-taliwas ang mga ideya na naisulat ko doon. di ko naman siya masisisi. magulo ang isip ko nang mga panahong iyon. maraming bumabagabag. sa susunod, ikukuwento ko iyon.

No comments: