Wednesday, June 11, 2008

manood ka

Kapapanood ko lang ng You Don't Mess With The Zohan. Natural mente, tumawa ako nang tumawa. Paborito ko si Adam Sandler at halos lahat ng pelikulang pinagbidahan niya ay napanood ko na. Pero ang pelikulang ito ay kakaiba. Sabi ng ibang kritiko ito ay isang 'Israeli movie.' Sang-ayon naman ako doon. Ito ay sumisimbolo sa mga kaganapan sa pagitan nang ng mga Israeli at Palestinian. at ang napakalaking 'pagitang' ito ay ang napakalaking pader na umaabot ng 8 metro (25 talampakan) ang taas, mas mataas pa sa pader ng Berlin na 3.6 metro (11.8 talampakan). Isipin mo kung gaano kaatas ito at gaano kahaba, na hanggang ngayon eh, 'under construction' pa rin kahit na 650 kilometro (403 milya) na ito.

Sabi ang pader daw ay nandoon dahil na rin sa mga sumusuporta doon, at isa sa mga iyon ay si Pres. G.W. Bush, na hindi yata alam kung ano ang ginagawa, kaya ang resulta lalo lamang lumalala. Dati pa man, may batikusan na sa pagitan ng mga Israeli at Palestinian. Magbasa ka nang Bibliya, nandoon ang mga iyon. Si Sharon kasi, akala niya matitigil ang batikusan sa 2 panig sa pamamagitan ng konkreto. Tsk! Tsk! Tsk!

May iba't-ibang bersyon akong nabasa at napanood patungkol dito. Sa ngayon, sa pananaw ko, parang walang katapusang paghihirap ang nakikita ko. Sumisigaw na sila sa buong mundo at humihingi ng tulong. Pati nga ito, ang pelikulang ito, nagsasabi kung ano nangyayari sa kanila. Pati si Mel Gibson naisali kasi sa anti-semitic rant na ginawa niya. Ayon, natirador siya doon.

Pero may solusyon naman sa bandang huli, ang magkaisa at sama-samang buwagin ang pader na patuloy na sumisira sa kanila sa napakaraming aspeto ng kanilang buhay (politikal, ekonomikal, sosyal at etc.) KAYA nila buwagin ang napalaking pader na iyon. Maniwala ka man o sa hindi nabuwag na nila ang pader nang Jericho. Bakit hindi nila magagawa iyon ngayon?

1 comment:

wifeybee said...

i also love adam sandler, pero diko pa napanuod tong zohan, hahaha... i'll find time to watch the film...

thanks sa pagdaan sa blog ko, sa uulitin ;)