Thursday, June 11, 2009

Navel and Tongue Rings

Plano ko bumili nito at saka nito. K'se dati may navel and tongue piercings ako, eh kaso nagsara na dahil tinanggal ko na kaya clip-ons nalang muna siguro (nyahaha...napapaesep kse ako kung pabubutasan ko ba ulit). Yung tongue ring ko kse dati ay solid titanium medical na de-ikot yung pakaw. Ang tanda ko, lunch time namin no'n tapos may nakagat akong matigas tapos nilunok ko. Tapos maya-maya natanggal sa dila ko yung hikaw at narealize ko na pakaw pala yung nalunok ko. Eh wala akong pambili ng hikaw ulit k'se mahal pa no'n kaya toothpick nalang nilagay ko. Natatanggal at saka masakit edi tinanggal ko nalang. Ayun, di ko na nalagyan ng hikaw. Yung sa belly button ko naman kse ang tagal gumaling. K'se nung college nakaskirt ang girls, natatamaan kaya ang sakit. Tinanggal ko muna yung navel ring ko tapos nawala. Pinalitan ko nalang ng earring, eh ang sakit. Tinanggal ko nalang. Ayun, ang naiwan lang eh peklat. Henako. Kelloidal pa naman ang aking malasutlang skin. Hahaha...

Gusto ko bumili k'se pupunta ako ng beach. Two piece swimsuit ang balak kong suutin. Ang taray diba? Aba, isang buwan na akong nagtotone ng maskels ko sa tiyan at braso no. Dapat na sigurong ibalandara ang seksing katawan. Nyahaha! Excited na si payaso! Weeeee...

1 comment:

harada57 said...
This comment has been removed by the author.